MENU
  

Nais po namin klaruhin na ang One Stop Shop for the Management of Returning Overseas Filipinos ay isang organisadong pangkat na kinabibilangan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, upang matulungang makauwi ng bansa ang mga Overseas Filipino Workers, maging ang iba pang Pilipinong nastranded abroad dahil sa pandemiyang dulot ng COVID-19.

Kamakailan, ay nakatanggap ang pamunuan ng OSS ng reklamo mula sa isang Returning Overseas Filipino (ROF), kung saan ibinahagi niya ang kaniyang karanasan pagdating sa Pilipinas, maging ang umiiral na patakaran sa mga bakunadong Pilipino na isinagawa sa labas ng Pilipinas.

MEDICAL BRIEFING SA LOOB NG EROPLANO

Sa kaniyang liham, inihayag niya ang kanyang pag-hihintay sa loob ng eroplano habang isinasagawa ang medical briefing, pagkuha ng body temperature, at isa-isang pagchecheck ng vaccination records.

Dahil rito, marapat lang na muli naming ibahagi sa publiko ang health at safety protocols na ipinapatupad sa ating mga paliparan, gayundin sa iba pang pantalan sa bansa, upang matiyak and health security sa bansa.

Upang matugunan ang reklamo ng ating kababayan, atin pong nireview kung saan at kailan nangyari ang insidente. Lumalabas po sa aming inisyal na pagsisiyasat na ito ay nangyari sa NAIA Terminal 2, kung saan mayroong limitadong espasyo at unique configuration ang nasabing airport terminal na kung saan mapapansin na maraming arrival gates.

Dahil dito, at sa limitadong medical personnel mula sa BOQ na nakakalat sa iba’t ibang paliparan at pantalan sa bansa, minarapat po ng BOQ na magtalaga ng mga medical personnel na siya mismong aakyat sa bawat eroplanong dumating, upang magconduct ng medical briefing, temperature check, at verification ng vaccination card.

Lingid po sa atin lahat na ang BOQ ay kasangga ng DOTr-OSS magmula simula ng OSS operations. Sila po ay hindi tumigil magserbisyo sa kabila ng banta sa kalusugan ng kanilang personnel. Dagdag pa rito ang limitadong thermal scanners sa NAIA Terminal 2, na siyang ginagamit upang mapabilis ang temperature check sa mga pasahero.

7 ARAW NA QUARANTINE PARA SA BAKUNADONG ROF

Sa kautusan ng IATF, amin pong agarang inimplement ang Resolution 119, kung saan pinapayagan ang ROFs na magisolate sa quarantine facility sa loob lamang ng pitong (7) araw, kung siya ay kinokosiderang “fully vaccinated” sa Pilipinas.

Ang polisiyang ito ay tugon ng gobyerno, upang matulungang makauwi sa lalong madaling panahon ang ating mga kababayan. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay niluluwagan natin ang safeguards kontra COVID. Dahil na rin sa kawalan ng internationally-recognized vaccination certificate, tayo po sa OSS, ay nakita natin ang challenges sa pag-veverify nito.

Sa kabila nito, atin pong pinagsisikapan pag-aralan ulit ang polisiyang ito, upang makapagrekomenda sa ating mga policy-makers at mga nakatataas sa atin, upang mai-accommodate ang iba pang ROFs na nakatanggap ng COVID-19 vaccines na recognized ng WHO.

PRE-PAYMENT PARA SA RT-PCR TEST

Magmula po noong March 2020, atin pong ni-require na magundergo ng RT-PCR test ang lahat ng ROFs na papasok sa bansa, upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng virus sa ating bansa.

Amin lamang pong linawin na ang non-OFWs na dumarating sa bansa ay inabisuhan magmula simula, na ang gastusin ay magmumula sa kani-kanilang sariling bulsa. Ito po ay marahil sa limitadong resources ng gobyerno sa pagtugon sa nasabing pandemiya.

Kaakibat nito, upang mapadali ang proseso, ay ginawa po nating online ang pagrerehistro, pati na rin ang pagbabayad para sa nasabing RT-PCR test, na ginagawa sa ika-pitong araw matapos ang pag abot sa paliparan.

Ito ay para siguruhing organisado ang pagsschedule at pag-aayos ng records ng mga pasahero na kukuhanan ng swab samples ng aming mobile teams, habang sila ay nasa isolation facility.

Isipin po natin ang hassle na idudulot nito kung ang mga dokumento at billing ay isasagawa sa araw, kasabay ang pagconduct ng kanilang RT-PCR test.

Nais po namin bigyang idiin, na ang payment ay ginagawa online. Tanging ang mga non-OFWs lamang na hindi nakapagbayad online, ang siyang ina-assist ng OSS pagdating sa NAIA, at pinagbabayad ng kaukulang bayad para sa kanilang RT-PCR test.

ANG DETOXICARE AY HINDI AHENTE NG OSS

Ang Detoxicare ay isang testing/diagnostic laboratory na accredited ng DOH, na siyang naging kaakibat ng Philippine Airlines upang mabigyan ng mas magandang serbisyo ang kanilang mga pasahero.

Magmula noong July 2020, kung saan kakaunti pa lamang ang testing laboratories sa bansa, isa po ang Detoxicare sa mga kauna-unahang laboratory na nakipagtulungan sa gobyerno upang ma-test ang ilang ROFs na pauwi sa bansa.

Kaagapay rin ng OSS ang Philippine Red Cross, Philippine Airport Diagnostic Laboratory, at ang First Aide sa pag-test ng ROFs sa NAIA.

Ang mga testing laboratories na ito ay nagsasagawa ng RT-PCR test sa NAIA, alinsunod sa alituntunin ng OSS kung saan ni-rerequire silang magsumite ng datos sa mga pasaherong natest, na siya naman nating inirereport sa IATF, upang sa gayon ay tuloy tuloy ang pag-uupdate ng ating measures upang lalo pang makapag bigay sa mga kababayan natin ng komportable at convenient na serbisyo. Muli po, ito ay alinsunod sa utos ng Pangulo na pagsikapan natin matulungan ang bawat Pilipinong apektado ng pandemiya.

TRANSPORTASYON

Ukol naman sa transportasyon, nais naming linawin na authorized vehicle lamang ang maaaring gamitin ng ating mga ROFs papuntang quarantine facility. Itong patakaran natin ay upang tuluyang mapigilan ang mga tangkang pagtakas mula sa ating mga quarantine facility.

Lingid sa ating kaalaman na marami ng nabalitang ROF na nag-attempt tumakas, sakay ng pribadong sasakyan o kaya ay kinukunchaba ang mga taxi drivers na hindi authorized ng OSS na magoperate sa NAIA.

Hindi lamang hotel shuttles ang ating pinapayagan, kung di pati narin ang airport taxis na accredited ng MIAA, upang masiguro na ang bawat kasapi sa OSS ay may responsibilidad sa gobyerno at sa tao, na siguruhing napapatupad ang alituntunin sa bansa.

Hindi namin kailanman pinayagan ang mga transport services na ito na umabuso sa mga ROFs, sa pamamagitan ng pagsingil ng sobra sobra sa itinakdang presyo ng gobyerno.

BAGGAGE

Ang lahat ng mga bagaheng mula sa eroplano ay dumadaan sa normal procedure ng NAIA, at ito po ay idinadaan sa airport carousel, na siya namang isa-isang kine-claim ng mga pasahero bago sila ihatid sa kanilang quarantine facility. Hindi po natin pinapayagan ang anumang VIP treatment, dahil nais po natin maserbisyuhan ng pantay pantay ang mga Pilipino, mayaman man o mahirap, may kakilala man o wala.

Kami po ay patuloy na humihingi ng pang-unawa mula sa ating mga kababayan na patuloy na nagtitiwala sa atin.