MENU

Magmula noong 2020, mayroong humigit kumulang 1.3M na pasahero ang natulungan ng One Stop Shop (OSS) for the Management of Returning Overseas Filipinos, na siyang inisyatibo ng Department of Transportation - Philippines (DOTr), sa pangunguna ni Secretary Art Tugade.

Karamihan dito ay mga land-based OFW, seafarers, at iba pang Pilipinong na-stranded abroad kasabay ng pagdedeklara ng iba't ibang bansa ng malawakang border control measures.

Isa sa mga natulungan ng OSS ay ang kababayan nating si Myan Hagosojos-Genavia, na masayang ibinahagi sa kaniyang social media post ang naging mabilis na proseso sa NAIA.

Kaniyang pinuri ang mga miyembro ng OSS na inilarawan niyang "nice and smart." Bukod pa riyan ay hinangaan din niya ang mga "young and techy" OSS personnel na nagseserbisyo sa mga verification booths. Aniya, malaking tulong lalo sa mga senior citizens ang paggamit ng QR Codes na siya lamang ini-iscan pagdating sa airport.

#DOTrPh

#OneStopShopAksyonAgad

#WeHealAsOne